Kelot kinatay ng bayaw na hilaw sa Vale

PATAY ang isang kelot matapos saksakin ng ka-live-in ng kapatid na babae makaraan ang pagtatalo nang pagbintangan ang una na kinuha ang pera ng kapatid nito sa Valenzuela City, Lunes ng hapon, Abril 16.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Joel Nicolas, 32, ng Don Pablo, Rincon, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Franklin Maraasin, 34, ng Lawang Bato, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon nang pinuntahan ng biktima ang kapatid na si Lyn na ka-live-in ng suspek sa Don Pablo, Rincon upang linawin na hindi siya ang kumuha ng pera ni Lyn.

Pumasok sa eksena ang suspek sabay sapak sa biktima na lumaban naman hanggang sa magsuntukan.

Inawat ang biktima at suspek subalit pumasok sa loob ng bahay at paglabas ay may dalang patalim bago inundayan ng saksak ang biktima subalit inabot sa kanang braso
si Lyn.

Lalong nagalit ang suspek at hindi tinantanan ng saksak ang biktima hanggang sa matamaan sa dibdib.

Matapos ang insidente ay dinala ang magkapatid sa VGH subalit hindi na umabot nang buhay si Nicolas habang dinakip naman ng mga pulis si Maraasin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply