Kelot kinatay ng dyowa bago nagsaksak sa sarili

GRINIPUHAN sa leeg ng isang babae ang kanyang kalive-in partner bago nagsaksak sa sarili sa Cotabato City kaninang umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sanhi ng tinamong saksak ang mga biktimang sina Warlito Sarmiento, 50-anyos at ang live in-partner nitong alyas Neneng kapwa residente ng General Santos City.

Sa ulat sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa isang peryahan sa Notre Dame Village sa Barangay Rosary Heights 8.

Bago ito, nagtungo sa nasabing peryahan ang magka-live in partner para makipagsaya pero sa kaligatnaan ng pamamasyal ay biglang nagtalo nang magselos si Neneng.

Sa gitna ng pagtatalo, biglang sinaksak ni Neneng si Sarmiento sa leeg bago itinarak din ang patalim sa kanyang dibdib.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply