Kelot kulong sa panghahalay sa anak

KULUNGAN agad ang binagsakan ng isang ama matapos nitong halayin ang kanyang katorse-anyos na dalagitang anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa lalawigan ng Cebu, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa report, naganap ang panghahalay ng suspek sa anak na itinago sa pangalang Amor nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi (Abril 11) sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Pislop, Brgy. Mansilang, lungsod ng Madredijos, isla ng Bantayan, Cebu.

Nabatid na mismong ang 23-anyos na nakatatandang kapatid ng biktima ang nagsumbong sa mga awtoridad at nagpahuli sa kanilang 44-anyos na ama matapos na ikuwento ng dalagita ang kanyang sinapit.

Napag-alaman na gabi noon at abala sa pagluluto ang kanyang kuya para sa kanilang hapunan, habang nanonood naman ng telebisyon ang kanyang dalawang nakababatang kapatid nang tawagin ang dalagita ng kanyang ama at pinapasok sa isang kuwarto.

Doon na umano hinalay ng ama ang kanyang anak at binantaan pa papatayin ito kung magsusumbong sa kanyang mga kapatid.

Subalit dahil sa mabilis na pagkilos ng kuya ng dalagita ay agad na nadakip ang kanilang ama na kasalukuyang nakapiit sa Madredijos Detention Cell na agad namang umamin sa panggagahasa sa anak.

Kasalukuyang nasa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang dalagita para sumailalim sa medical examinations kaugnay sa paghahain ng kasong rape laban sa kanyang ama.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply