Kelot nalitson sa sunog sa Quezon City

NALITSON ng buhay ang isang lalaki habang dalawa pa ang sugatan sa sunog na lumamon sa may 50 bahay sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City, alas-10:00 kagabi (Abril 15).

Kinilala ang namatay na si Romulo Francia na sinasabing nagpumilit na maisalba ang mga gamit ngunit hindi na nakabalik ng bahay.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Richard Velasco dahil sa napabayaang kandila.

Naapula ang sunog bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Umabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog.

Pansamatalang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang may 100 pamilyang nawalan ng tirahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply