Kelot nalunod sa balon sa Valenzuela

PATAY na nang makita ang isang kelot na nalunod sa balon na kanyang pinag-iigiban sa Valenzuela City kahapon ng umaga, Abril 7.

Kinilala ang biktima na si Mario Imperial, 50, ng Pinagpala St., Malinta, nasabing lungsod.

Sa ulat na inilabas kanina lamang, alas-6 ng umaga kahapon nang makitang lumulutang sa balon sa nasabing lugar ang biktima na huling nakitang nagsasalok ng tubig.

Nabatid na Biyernes ng gabi nang huling makitang buhay ang biktima habang nag-iigib ng tubig sa balon.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang alamin kung may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply