Kelot nalunod sa swimming pool, dedo

TIGOK ang isang lalaki matapos malunod sa swimming pool sa Valenzuela City kagabi (Abril 2).

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Domingo Daigan, 39 ng T. Santiago St., Canumay West ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:00 kagabi kasama ang mga kaibigan, nang malunod ang biktima sa Great Falls Resort sa Maysan ng lungsod.

Nagpapahinga na ang mga kaibigan ng biktima upang maghandang umuwi nang magpaalam si Daigan na lalangoy pa sandali.

Ilang minuto ang lumipas, nagkagulo nang makitang nalunod ang biktima na agad na isinugod sa VGH.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply