Kelot nanalo sa sabong, tinodas ng 3 kawatan

SINUWERTE mang manalo sa sabong ang isang lalaki, ay minalas namang napatay ito ng tatlong kawatan na nangholdap sa una sa lalawigan ng Antique, kagabi (Abril 20).

Nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Salvador Pedrilla, 68-anyos residente ng Barangay Atabay, San Jose, Antique.

Hinala ng San Jose PNP, na ang mga suspek ay ang mga nakapustahan ng biktima sa sabong.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-7:30 kagabi, ilang  metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Bago ito, nanalo sa sabong ang biktima pero nang papauwi ay hinarang at pinagsasaksak ng mga suspek at tinangay ang pitaka nito na naglalaman ng perang napanalunan.

Pero tinitignang anggulo rin ng awtoridad ang paghihiganti, dahil napatay ni Salvador ang sariling kapatid na si Abraham noong bisperaas ng bagong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply