Kelot nangisay sa koryente sa Kalibo

NASA malubhang kalagayan pa rin ang isang lalaki na nakoryente sa Kalibo Aklan.

Kinilala ang biktima na si Alexander Carandang, 48.

Nabatid na nag-install ang biktima ng TV antenna nang bigla na lang tumama sa primary line ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) na naging sanhi ng kanyang pagkakoryente.

Bukod sa pagkakakoryente ng biktima ay nakaranas din ng brownout ang buong Kalibo ng mahigit 10 minuto.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply