Kelot niratrat ng riding in tandem sa Caloocan

NASAWI ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay 39, 2nd Avenue, Caloocan City.

Nabatid na apat na tama ng bala ang tinamo ng biktimang si Johnson Cheng alyas “Wacky”.

Sinasabing may naka-alitan si Cheng sa waiting shed sa naturang lugar kung saan makikipagkita sana ito sa isang alyas “Mayor” bago ang pamamaril.

Hinihinala ng mga awtoridad na may kinalaman ang pamamaslang sa onsehan sa droga.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply