2 patay, 5 sugatan sa sunog sa Quezon City

PATAY ang dalawang lalaki, habang lima ang sugatan sa sunog na naganap sa Brgy. Damayan, Quezon City kaninang hapon iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kinilala ang namatay na sina Andy Gonzales, 40, ng River Side, Brgy. Damayan at Jimmy Aguilar, habang ang limang iba pang nasugatan ay agad na isinugod sa pagamutan.

Ayon kay BFP-QC chief Supt.Bobby Baruelo, naganap ang sunog dakong 3:12 ng hapon kanina sa Riverside, Brgy. Damayan, San Francisco del Monte.

Ani SFO2 Mauricio Jose, arson investigator, umabot ang sunog sa task force alpha at ganap na na-fire out alas-4:40 ng hapon kanina na tumupok sa may 100 kabahayan.

Tinatayang aabot naman sa P5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo sa isa’t kalahating oras na sunog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply