Kelot patay sa seaman na may sayad sa Tondo

PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang nagkasakit sa isip na kaanak sa Tondo, Maynila.

Idineklarang patay sa Tondo General Hospital makalipas ang ilang oras na pakikipagbuno kay kamatayan si Rolando Guererro, 57, vendor, ng 97 Aguinaldo St. Magsaysay Village, Tondo.

Naaresto naman ang suspek na si  Elmer Guerrero, 56, dating seaman, ng 97-A Romualdez St. Magsaysay Village.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas 3:00 kahapon nang mangyari ang insidente sa harap ng Jocelyn meat shop habang nagpapapalit ng barya ang biktima.

Nang makita ng suspek ang biktima ay nilapitan niya ito at walng sabi-sabing sinaksak ng dalawang ulit.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Nabatid sa report na may history ng “mental illness” ang suspek at naipasok na sa mental hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply