Kelot pinalakol ang sariling ulo, tigok

UTAS ang isang lalaki nang palakulin ang sariling ulo sa Sitio Cogon, Purok 2, Barangay Biao Escuela, Tugbok District, Davao sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Artemio Arcilla Fernandez Jr., 46, ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling-araw kahapon, Abril 15 nang magising ang mga kamag-anak ng biktima dahil sa malakas na sigaw ni Fernandez.

Nang puntahan sa kanyang kuwarto ay nakita ang biktima na may hawak na palakol na agad itinaga sa kanyang ulo.

Hindi naman malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply