Kelot pisak sa FX sa Antipolo

NASAWI ang isang lalaki makaraang banggain ng isang pampasaherong Tamaraw FX ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo City.

Sa inisyal na ulat, nabangga ng pampasaherong FX ang naturang motorsiklo at pumailalim ang hindi pa nakikilalang biktima matapos tumalsik mula sa motor at nadaganan ng mga gulong ng FX.

Mariin namang itinanggi ng driver ng FX na kinilalang si GB Cabangon na mabilis ang kanyang pagmamaneho at nagulat na lamang umano siya nang bilang sumulp[ot ang humaharurot na motorsiklo.

Taliwas naman sa pahayag ng isang testigo na mabilis talaga ang takbo ng Tamaraw FX at una na umano itong nag-overtake sa motor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply