Kelot tumalon sa 4th floor ng mall sa Ortigas, patay

PATAY ang isang lalaki makaraang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng Robinson’s Galleria Mall sa Ortigas Avenue, Quezon City kaninang alas-11:00 ng umaga.

Sinabi ni P03 Junel Rosario, ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), na lumagapak sa ikalawang palapag ng mall ang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang isang Chinese national base na rin sa itsura nito.

Wala namang nakuhang identification card o passport sa biktima para makilala ito kaya makikipag-uganayan pa ang pulisya sa Embahada ng Tsina para sa kaukulang disposisyon.

Hindi naman inaalis ng QCPD, na posibleng may naganap na foul play sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply