Kelot utas, 2 pa sugatan sa boga ng parak

TODAS ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pa nang pagbabarilin ng isang pulis  habang kumakain ng lugaw sa Tondo, Maynila kagabi (Abril 3).

Dead on the spot ang biktima na nakilala sa pangalang Danny Serano habang sugatan naman at nilalapatan ng lunas sa hindi nabanggit na ospital ang katabi nitong si Edwin Crisostomo.

Sugatan din at nagtamo ng tama ng bala sa hita ang may-ari ng lugawan na nakilala lamang sa pangalang Cora.

Nakilala naman ang suspek na si PO1 Fulgencio Sideco na pinaghahanap ngayon ng kanyang kabaro.

Nabatid na dati nang naaresto ang suspek dahil na rin sa pagpapaputok ng kanyang baril noong nakaraang Disyembre 2011 sa isang Christmas party.

Sa ngayon, hindi pa malinaw ang naging motibo ng suspek sa pamamaril sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply