Kelot utas sa boga ng riding in tandem

ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 38-anyos na pedicab driver matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa Sampaloc, Maynila.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Artemio Facuna IV, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima sa kanto ng Earnshaw St., at Lacson street Sampaloc, sa Maynila dakong alas-5:30 kahapon.

Ilan naman sa mga nakakita sa pangyayari na ayaw magpabanggit ng kanilang pangalan ang nagsasabing dati umanong pulis ang bumaril sa biktima, bagamat inaalam pa ng pulisya ang impormasyon habang patuloy ding inaalam ang motibo sa pamamaril.

Inaasahan namang makatutulong sa imbestigasyon ng pulisya ang kinuhang kopya ng CCTV ng Florida Bus Lines.

Ilang metro lamang ang layo ng terminal ng nasabing bus sa pinangyarihan ng insidente.

Kelot utas sa boga ng riding in tandem

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply