Killer ng ex-mediaman positibong kinilala

LUTAS na ang kasong pagpatay sa dating mediaman at brgy. kapitan ng Brgy. Lacson Calinan, Davao matapos positibong kinilala ng mga testigo ang naarestong dating kahidwaan nito.

Naaresto kamakalawa ng pulisya si Petronilo Quino Demicillo Jr., dating barangay police at sinasabing pumatay kay Aldion Layao.

Nabatid na galit si Demicillo kay Layao dahil tumulong ang kapitan upang madiin siya sa kasong pagnanakaw, bagay na pinabulaanan naman ng suspek.

Pauwi na ang biktima nang pagbabarilin siya ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang kotse.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply