Killer ng parak todas sa shootout sa QC

TODAS ang suspek sa pagpatay sa isang pulis Quezon City matapos makipagbarilan sa mga pulis na umaaresto sa kanya sa Quezon City kagabi, Abril 27.

Kinilala ang napatay na si Charlie Belaro, 34, dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Si Belaro ay itinuturong suspek sa pamamaril at pagpatay kay SPO1 Ivon Ray Atilano, miyembro ng PNP at nakatalaga sa Quezon City Police District Station 9 Anonas.

Sa Joint Operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District, naganap ang insidente alas-9:40 kagabi sa No. 102 Camia Street, Extension 1, Alley 3, Brgy. Old Capitol Site.

Ayon sa ulat, narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang anim basyo ng bala ng kalibre .45 na baril, isang (1) basyo ng bala ng kalibre .9mm at tatlong (3) deformed slugs.

Sinabi ng mga pulis na una silang pinaputukan ng suspek kung kaya gumanti lamang sila ng putok dahilan para mapatay ang suspek.

Nakuha rin sa lugar ng insidente ang isang kalibre .38 revolver na walang serial number na may lamang dalawang basyo ng bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply