Kilos-protesta sa Semana Santa ikakasa

HINDI nababahala ang Malakanyang sa plano ng militanteng grupo na itaon sa Semana Santa ang  gagawin nilang kilos-protesta bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, kahirapan at iba pang usapin na nabigong solusyunan ng pamahalaan.

“Hindi naman po siguro ito makaaapekto doon sa payapang tina-target na pagdaos ng Semana Santa. At, katulad po ng sinabi natin kaninang umaga, hindi naman po tayo mapapagod ng patuloy nating pagpapaliwanag kung ano po ‘yung mga hakbang na ating ginagawa. Medyo marami po silang issues na dinadaing doon sa kanilang kilos protesta. At araw-araw naman po ay nagbibigay naman po tayo ng paliwanag kung ano po ‘yung ating mga ginagawa para naman po maibsan ‘yung mga nagiging epekto ng mga isyung ito sa ating mga mamamayan,” aniya pa rin.

Tumanggi naman si Usec. Valte na umapela sa mga grupong nagbabalak na maglunsad ng kilos-protesta sa Mahal na Araw sa katwirang sariling diskresyon nila kung itutuloy o hindi ang nasabing hakbang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply