KMP kay Valte: Manahimik ka

“SHUT Up!”

Ito ang panawagan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Kaisahang Pambansa ng mga Magsasaka sa Koprahan (KOPRAHAN) kay Deputy Spokesperson Abigail Valte.

Ayon kay KMP deputy secretary general Willy Marbella, si Pangulong Benigno Aquino ang dapat magsalita sa isyu ng multi-bilyong coco levy funds sa San Miguel Corp., na pinamumunuan ng tiyuhin nitong si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. at hindi si Valte.

Ang hamon ay ginawa ng dalawang grupo matapos ihayag ni Valte na ang Pangulo ang gagawa para sa ikabubuti ng publiko sa isyu ng coco levy funds.

“We think Valte should shut up for lack of authority to speak over the issue of the coco levy funds. The coco levy fund plunder is a very complicated and politically sensitive issue,” ani Marbella.

Sinabi ni Marbella, spokesperson din ng Koprahan, na nais ng mga maliliit na coconut farmers na makakuha ng espesipikong tugon at hindi motherhood statements.

“April Fool’s Day statements issued by spokespersons who obviously don’t know what they are talking about cannot deceive small coconut farmers,” pahayag pa nito.

Hinamon ni Marbella si Pangulong Aquino na magsalita para sa kanyang sarili at ibunyag ang kanyang official stand sa naturang isyu.

Lumalabas aniya sa kilos ng Pangulo na wala itong interes na habulin ang kinukuwestiyong 20% shares ng mga Cojuangco sa SMC at 24% lamang ang idineklarang public funds.

Inakuhasan pa ni Marbella ang gobyernong Aquino na naghahabol sa 24% shares at huwag biyayaan ang maliliit na coconut farmers.

Nauna nang inakusahan ni Marbella ang kampihan na ginagawa umano ng Pangulo at tiyuhin nito laban sa maliliit na magsasaka sa usapin ng coconut levy funds.

Ito ay matapos na i-appoint ni Aquino si Kilayko sa UCPB, Jardeleza bilang SolGen, at pagkakabuo ng Task Force Coco Levy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply