Koleksyon ng BoC, BIR umangat

KAHIT kapos sa nalilikom na buwis ang ibang sangay ng pamahalaan,  umangat naman ang koleksyon ng Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal Revenue nitong Pebrero.

Ani BoC Commissioner Ruffy Biazon, nakakuha ang kanilang tanggapan ng P22.433 billion buwis sa nasabing buwan, mas mataas kumpara sa P18.583 billion na nakolekta ng kawanihan noong 2011.

Bukod sa BoC, nakakuha rin ng P153.84 billion na koleksyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR), mas mataas ng P3.43 billion o 2.28 percent kumpara sa target nilang P150 billion.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply