Kolorum at dilapidated

KATULAD sa nakaraang mga Semana Santa, talaga namang magsisilabasan ang mga kolorum at dilapidated.

Itong mga kolorum ay maaaring bago o luma o bagong luma.

May mga pampasaherong sasakyan na may prangkisa ngunit pumaso at hindi na ito ini-renew pa ng may-ari kaya kolorum na rin ang mga ito.

Karaniwang kolorum naman ang mga bago o bagong luma na pag-aari ng mga pulis, sundalo, NBI agent o sibilyang opisyal ni PNoy.

Kinokolorum ng mga alagad ng batas at opisyal ang kanilang mga sasakyan para kumita o kaya’y panghulog kung hinuhulugan ang mga ito.

Katwiran nila, hindi kasi sapat ang sahod nila sa gobyerno na panghulog.

Sa mga expressway, ipinagbabawal ang mga dilapidated na nalalaglag na ang mga dingding, apakan, tambutso, nguso, salamin at iba pa.

Kahit pa may prangkisa ang mga ito.

Pero ang mga kolorum, hindi nila pinakikialaman.

Basta magbayad ang mga ito ng toll, ayos.

oOo

Nitong nakalipas na mga araw, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na iisyuhan nila ang mga kolorum ng special permit para bumiyahe at mamasahero.

Pero nitong huli,  mukhang umatras ang LTFRB lalo na nang mariing sabihin ng Metro Manila Development Authority na huhulihin nila ang mga kolorum.

At mukhang nakisakay na rin ang LTFRB sa panghuhuli. Kasi naman, wala kasi talagang kasiguruhan sa kanilang buhay at ari-arian  ang mga pasahero sa mga kolorum.

Mabuti pa ang out of line, kung binigyan ang mga ito ng special permit na mamasahero, kapakner ang gobyerno sa sisi.

Kung tuloy-tuloy na hindi papayagan ng LTFRB ang mga kolorum, oki na tayo.

Pero dapat na magbantay ang mga onorabol dito dahil pinepera ng pulis patola at tadong taga-LTO ang mga kolorum.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply