Kompanya sa Albay puro wala sa minimum wage

SA lalawigan ng Albay maraming pabrika, kompanya at iba pang private offices ang ‘di raw sumusunod sa ipinatutupad na minimum wage.

Napakaraming manggagawa sa nasabing probinsya ang nag-aangalan dahil sa hindi tama ang pasahod na ibinibigay ng mga nasabing kompanya.

Paging Department of Labor and Employment (DOLE). Pakibusisi naman n’yo ito kung ayaw ninyong paghinalaan kayo ng mga manggagawa ng Albay.

Basahin n’yo ang text message na ipinadala po sa atin ng mga taga-Albay.

Good pm, Sir Johnny. Paki-publish naman po n’yo sa kolum n’yo na marami rito sa Albay ang ‘di sumusunod sa minimum wage.

Paging DOLE Director  ng Albay, magtataas na  naman kayo pero hindi n’yo naman po naipatutupad nang tama.

Sana lahat o baka tama ‘yung sinasabi nang mga mi-litante na nalalagyan kayo ng mga kompanya.

Aasahan namin ang pagtaas ng sahod namin ngayong Abril. Pag wala po ay mag-resign na po kayo.

Mahal na Pangulong Noynoy Aquino, paimbestigahan  naman niyo ang Albay DOLE Dir., lalo na rito sa Bicol Region. Salamat po…

LOTTENG NG MAGJOWA SA EPD PADER

Sa sakop naman ng Eas-tern Police District (EPD) ay  walang takot na minamantine ng mag-asawang Cris at Rose ang operasyon ng lot-teng sa Pasig, Mandaluyong at San Juan.

Walang ipinagmamalaki ang magjowa kundi kayang-kaya nilang tapalan sa bibig at mata ang kahit sinomang maupong District Director.

E paano ngayon si EPD DD Gen. Mike Laurel na ang nakaupong director?

Kaya kayang patigilin ni Gen. Laurel ang astig na mag-asawang ito sa kani-lang iligal na gawain?.

O,  baka naman gaya rin ng iba si heneral?

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply