Konsehal nabiktima ng bukas-kotse gang

AGAD humingi ng tulong sa pulisya ang isang city councilor nang mabiktima ng bukas kotse gang sa Daraga, Albay.

Kinilala ang biktima na si Councilor Alvin Balladolid, 34-anyos, ng Sorsogon City.

Nabatid na kabababa lamang ng biktima sa kanyang sasakyan para mamasyal sa nasabing lugar nang sa kanyang pagbalik ay bukas na ito at wala na ang kanyang mga gamit.

Kabilang sa nakuhang gamit sa biktima ay ang kanyang  ipod, video cam, tripad, body bag at iba’t ibang klase ng ATM card.

Inaalam na ng pulisya ang mga suspek sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply