Koreano tigok sa scuba diving sa Boracay

NALUNOD ang isang South Korean national matapos lumusong sa dagat para mag-scuba diving sa Boracay, Sabado ng hapon, Marso 31.

Naisugod pa sa Boracay District Hospital si Kim Ki Hu, 30, isa ring tour guide pero idineklarang dead on arrival sanhi ng kawalan ng hangin sa baga o asphyxia.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Cyrus Parce ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naganap ang insidente alas-4 nitong Sabado ng hapon sa station 3  sa isla ng Boaracay.

Bago ito, nag-scuba diving ang biktima pero sa hindi malamang dahilan ay hindi na nakaahon pa.

Sa ikinasang paghahanap, natagpuan ng isa pang diver ang bagkay ng biktima na nakasuot pa ang snorkling mask na may patak ng dugo sa loob nito.

Dahil dito, iniimbestigahan ng awtoridad kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply