Koreanong bugaw sa Pinas ipinatatapon na

IPATATAPON na palabas ng Pilipinas ang isang Koreano na ibinubugaw ang mga Pinay sa mga kababayan nito sa South Korea.

Kinilala ng kawanihan ang dayuhan na si Park Jun Youn, 44, naaresto sa tinutuluyang apartment sa Makati City noong Abril 18.

Sa imbestigasyon, hinihikayat ni Park ang mga kababayan na magpunta sa Pilipinas upang ‘tumikim’ ng mga sariwa at magagandang Pilipina.

Pinagbabayad ni Park ng P75,000 ang mga kababayang turista, bilang kapalit ng ilang araw na kaulayaw ang mga Pilipina na kanyang ginawa sa loob ng isang taon, sumula Marso 2007 hanggang Marso 2008.

Napag-alaman sa tanggapan ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na may asuntong tinakasan sa Cheongju district court sa Seoul ang dayuhan.

Ayon pa kay David, nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Park sa kasong sex trafficking at brokering law.

Nabigyan pa ng permanent visa ang dayuhan ng kawanihan noong 2010 subalit pinakansela na ni David matapos malaman na pinaghahanap siya ng batas sa South Korea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply