Kotse vs motorsiklo: Nurse todas

AGAD namatay ang isang registered nurse nang mabangga ng isang kotse ang minamaneho niyang motorsiklo sa Barangay Capatan, Tuguegarao City kagabi (Abril 17).

Kinilala ang biktima na si John Mark Taguibao, 27, nurse sa Dr. Ronald P. Guzman Hospital sa Brgy. Carig at taga-Brgy. Libag Norte sa lungsod.

Ayon sa ulat, pauwi na sana mula sa trabaho si Taguibao, sakay ng kanyang XRM motorcycle nang maganap ang banggaan.

Nabatid na sumalpok sa biktima ang Toyota Innova nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan.

Kapwa nayupi at nabasag ang salamin ng dalawang sasakyan dahil sa lakas ng impact ng pagbangga.

Sumuko naman ang drayber ng kotse sa mga awtoridad na saktong napadaan sa pinagyarihan ng aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply