Kulang nga ba sa pansin ang PNP ARMM?

MUKHANG nahihirapan ang kapulisan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (MMDA) na labanan ang sandamakmak na problema sa kriminalidad dahil sa kakulangan nito ng mga tauhan sa field at ng mga modernong kagamitan na bahagi ng mga tinatawag na hi-tech equipment na SOP na sa ibang bansa bilang panlaban sa kriminalidad.

Ang ratio ng kapulisan sa mga residente na dapat ay 1:500 ay hindi rin yata natutupad. At ang pinakamasaklap ay ang sobrang pulitika na bumabalot sa persona ng PNP, hindi lamang sa ARMM kundi maging sa buong bansa.

Halos kada linggo ay me nakikidnap sa AOR ng Police Regional Office ng ARMM na kadalasan diumano ay kagagawan ng mga rebeldeng grupo gaya ng Abu Sayyaf at ng ilang organized crime groups.

Nitong bandang huli nga, ayon sa isang source ay ginagawang low-key ang pagpapalaya sa mga biktima pagkatapos makapagbayad ng ransom money sa mga kidnapper.

Limang lalawigan at isang syudad ang bumubuo sa ARMM at gaya ng sabi ng iba, ito ay puno ng sigalot dahil sa pamamayagpag ng ilang armadong grupo na hindi masawata ang kanilang mga krimeng pinaggagawa.

Kelan kaya mabibigyan ng kaukulang pansin ang PNP ARMM para tugunan ang mala-higanteng problema na kinakaharap nito? Pero sigurado ako na hindi pa huli ang lahat para magkaroon ng mga Duterte sa iba’t ibang lugar sa ARMM na nagbibigay ng quota sa kapulisan para sugpuin ang mga krimen na nagaganap dito.

Pwede rin sigurong magkaroon ang ARMM ng alkaldeng “Dirty Harry?”

Structural changes ang dapat unahin sa pagtugon ng pamahalaan sa mga suliranin ng ating kapulisan bago siguro gamitin ang katagang “an eye for an eye! and a tooth for a tooth!”
-000-

Mukhang nakalulusot ang mga me kagagawan ng ilang kalokohan sa loob ng Department of Education – ARMM kahit naisiwalat na ang kanilang mga raket na bumiktima sa mga aplikante na gustong maging teachers.

Isa-isa na ring binanggit ang mga taong kasabwat sa mga raket sa DepEd at sana hindi mauwi sa wala ang pagod ng mga taong gustong ireporma ang DepEd-ARMM.

Kasuhan na sila sa lalong madaling panahon para maging sampol.

-000-

KUDOS sa lahat ng mga taong nasa likod ng pagdaraos ng taunang Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association o ARMMA sa Lamitan, Basilan. Nag-umpisa ang paligsahan noong April 7 sa pamamagitan ng parada ng mahigit 6,000 atleta at mga opisyal na kinabibilangan ni OIC Regional Governor Mujiv Hataman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply