Kulong sa magnanakaw, sisira sa gamit ng gobyerno

MAKUKULONG ng 12 hanggang 15 taon at pagmumultahin ng P1 milyon hanggang P3 milyon ang sinumang sisira sa mga kagamitan ng gobyerno, partikular na ang mga kagamitan sa pagmo-monitor ng kalamidad at seismologic phenomena.

Ito ay matapos na maaprubahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 5932 o panukalang batas na magpaparusa sa magnanakaw, makikialam at sisira sa mga kagamitan ng gobyerno na ginagamit na pang-monitor ng kalamidad at seismologic phenomena.

Makukulong naman ng anim hanggang sampung taon at pagmumultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon ang sinumang mapapatunayang nakialam sa mga kagamitan.

Sa ilalim ng panukalang inakda ni Rep. Angelo Palmones (Party-list, AGHAM), magbibigay ng pabuya ng hindi bababa ng P10,000 pero hindi lalampas ng P50,000 ang sinumang magbibigay ng impormasyon para mahuli ang magnanakaw ng kagamitan ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply