Kulungan ng Immigration sa Davao masikip

DAHIL sa kakulangan ng pasilidad para sa mga detenidong dayuhan ang Bureau of Immigration sa Davao City, hawak pa rin ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa lungsod ang 78 dayuhan na inaresto noong Abril 18 sa kasong international money fraud

Ayon sa natanggap na ulat, hindi maipasa ng Davao City Police Office (DCPO) sa BI-Davao City district office ang pangangalaga sa mga dayuhan dahil sa masikip ang kulungan ng nasabing tanggapan.

Ito ay sa kabila ng pagkansela sa ibinigay na pasaporte sa mga natimbog na 72 Taiwanese nationals ng pamahalaang Taiwan.

Bukod sa 72 Taiwanese, arestado rin sa ginawang operasyon ng PNP-Davao ang anim na Chinese nationals.

Ayon pa sa kawanihan, hindi muna maisasalang sa deportation proceedings ang mga dayuhan hangga’t walang ibinababang desisyon ang korte kaugnay sa isinampang kaso laban sa mga ito.

Napag-alaman din sa tanggapan ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na walang kaukulang work permit ang mga dayuhan dahil dumating ang mga ito sa Pilipinas bilang mga turista.

Naghain naman ng petition for a habeas corpus ang mga dayuhan sa sala ni Davao City RTC Branch 16 Judge Emmanuel Carpio upang iharap sa hukuman ang mga dayuhan, gayundin ang paglalabas ng mga dokumento at ligal na basehan sa kanilang pagkahuli.

Ayon naman sa pulisya, may sapat na batayan ang pag-aresto sa mga dayuhan matapos na magpalabas ng search warrant ang Davao City RTC.

Nagsampa rin ang pulisya ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998, at may kaugnayan sa paglabag sa probisyon ng RA 8792 o Electronic Commerce Act laban sa 72 Taiwanese nationals at anim na mamamayan mula sa China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply