Kuya buking na ginawang sex slave ang kapatid

NABUKING ang isang lalaki na ginawang sex slave hanggang sa maanakan ang nakababatang kapatid na babae matapos ireklamo ng huli ng pananakit ang una sa Caloocan City kagabi (Abril 13).

Kasalukuyan nakakulong ang suspek na si Rommel Venezuela, 32 ng Bagong Barrio East ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:00 kagabi nang ireklamo ng pambubugbog ng biktimang si “Alexa” ang kanyang kuya sa loob ng kanilang bahay.

Kinuha ng mga barangay tanod ang suspek at dinala sa presinto, kasama ang panganay na anak ni Alexa na nagsabing madalas saktan ng kanyang tito (suspek) ang kanyang ina bago pinapatungan.

Dahil dito, nagawang magtapat ng biktima at sinabing limang taon na siyang naging parausan ng kanyang kuya hanggang sa magkaanak sila ng batang lalaki na ngayon ay edad tatlo.

Nabatid pa, na mayroong dating asawa (ang tatay ng kanyang panganay na anak) si Alexa subalit binawi siya ng kanyang kuya at inuwi sa kanilang bahay sa nasabing lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply