Labis na pagsasaya ngayong Semana Santa iwasan– obispo

PINAIIWAS ng isang obispo ng Simbahang Katolika ang publiko, partikular na ang mga kabataan sa labis na pagsasaya ngayong Semana Santa.

Ayon kay Marinduque Bishop Rey Evangelista, hindi dapat kalimutan ng publiko ang tunay na kahulugan ng Mahal na Araw.

Giit ni Evangelista, na ang Mahal na Araw ay dapat na gugulin sa pananalangin, pagninilay-nilay at pagbabalik-loob sa Panginoon.

“Our Holy Week gatherings should not be for fun but for prayer and contemplation,” ayon pa kay Evangelista.

Samantala, hinimok naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang publiko na tumulong sa kapwa ngayong Mahal na Araw.

Ani Pabillo, hindi lamang pera ang maaaring ipagkaloob sa kapwa kundi maging panahon at talento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply