Lagman sinipa sa Comelec ng Malakanyang

SINIPA na sa pwesto ng Malakanyang si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Augusto Lagman.

Ayon kay Lagman, sinabihan na siya ng Palasyo noon pang Biyernes (Abril 13) at ngayon aniya ay nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit.

Magugunitang may lumabas na balita na hindi na ni-re-appoint ng Palasyo si Lagman dahil ayaw nilang magalit siSenate President Juan Ponce- Enrile na malaking bagay sa Corona impeachment trial.

Sinabi ni Lagman na kumalat ang balita na hinaharang ni Enrile ang kanyang re-appointment.

Ani Lagman, may galit sa kanya si Enrile at ito ay nag-ugat noong akusahan siya nito na kasama siya ng National Movement for Free Elections (Namfrel) na nagmaniobra sa 1987 elections.

Pinabulaanan naman ni Lagman ang alegasyon laban sa kanya at sinabi na kung siya ang masusunod ay handa siyang harapin si Enrile at dumaan sa proseso ng Commission on Appointment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply