Lalaking tumalon sa dagat hinahanap na ng PCG

PINAGHAHANAP na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang lalaking pasahero ng barko na tumalon sa karagatan sakop ng Antique patungong Maynila.

Ayon sa natanggap na imporamsyon ng PCG, tumalon si Bernardo Iglesias sa isang barko ng Negros Navigation.

Nabatid na tinangka pa ng asawa nitong si Arlene na pigilan siya ngunit hindi nito nakayanan ang bigat at tuluyang nabitawan hanggang nakatalon ito ng barko..

Ipinaalam naman ni Arlene ang insidente sa tripulante ng Tenaco Passenger Lines at agad na nagsagawa ng search and rescue operation ngunit hindi na ito nakita pa.

Tutulong na ang PCG sa paghahanap sa biktima.

Nabatid na nagkaroon ng nervous breakdown ang biktima at posible umanong sinumpong ito nang tumalon sa dagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply