Lampungan nina Shaina at Jake pinakaaabangan!

MUKHANG at home na at home sa kanilang eksena sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao sa bago nilang seryeng “Kung Ako’y Iiwan Mo” na ipalalabas na sa April 16 bilang unang anibersaryong handog ng Kapamilya Gold.

Base sa first week episode na ipinasilip sa mga press people, sa umpisa pa lamang ay umaatikabong love story at drama ang handog na ito ng Kapamilya at TFC sa mga kasambahay.

Halos 70% ng Kung Ako’y Iiwan Mo ay  kinunan sa Doha, Qatar sa Middle East kaya proud na proud ang direktor na si Manny Palo na hindi lang drama ang mapanonood rito kundi ang ganda at kabuuan ng Qatar.

Tungkol sa dalawang batang mag-bestfriend ang iikutan ng kuwento as played by Jake Cuenca at Shaina Magdayao.

Magkumpare rin ang tatay ng dalawa, sina Christopher de Leon (tatay ni Jake) at Philip Salvador (tatay ni Shaina). Namatay sa Qatar si Philip habang nasa trabaho. Iniligtas niya ang buhay ni Christopher na siya sanang babagsakan ng bakal na pumatay kay Ipe. Dahil sa nangyari, nakonsensiya itong si Boyet na suportahan ang naiwanang pamilya ni Ipe (played by Sandy Andolong). No’ng matuklasan ni Gloria Diaz na pinapadalhan pala nito ang biyuda ni Ipe, nagselos si Gloria at dito na nagsaulian ng kandila ang magkumare (Sandy at Gloria).

Sey ni Direk Palo, “Tiwala kaming maraming manonood sa amin (kahit pa nailagay sila sa panghapong slot) mga asawa ng OFWs abroad at mga kasambahay nila,” sey nito sa lahat ng nagtatanong kung paano sila magsa-succeedsa ratings dahil hapon nga ito.

—@@@—

AMINADO naman si Billy Crawford na hosting at singing ang kanyang forte. Ang last movie na ginawa nito ay noong bata pa siya, ang “Pahiram ng Isang Umaga” at “Isang Dakot na Lupa.” Kaya lang daw niya tinanggap ang role sa Moron 5 and the Crying Lady bilang isa sa mga moron o “bobo” ay dahil kasama nito ang bespren na si Luis Manzano.

“So, no’ng kinausap ako ni Direk Wenn (Deramas) at ng Viva na meron ngang pelikula na kasama si Luluboy  (tawag niya kay Luis), sabi ko, sige!” sagot ni Billy no’ng makausap namin sa preskon. At least, hindi daw siya mag-i-effort sa akting.

“Aakting ba kami rito, e pulos kami magbabarkada? Paano mo ia-acting ang barkada?” katwiran pa ni Billy.

Pagkatapos ng showing nito on April 7, haharapin naman daw niya ang naudlot nitong singing career sa Europe, sa France. Lilipad siya sa April 30 at magtatagal siya sa France ng tatlong buwan

“June 30 na ang balik ko sa ‘Pinas,” sey ni Billy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply