Landslide sa Kennon Road, 2 sugatan

DALAWA ang sugatan sa naganap na landslide pababa sa Kennon road, alas-7:20 ng  hapon sa Sitio Kaipilan, Barangay Camp 3, Tuba, Benguet.

Sakay ng Hyundai Starex van (NOW 690) at Toyota Altis (NIS 246)  sina Laura Devilla at Nicole Polines nang tamaan sila ng gumuhong mga bato.

Inaalam pa ng awtoridad ang iba pang impormasyon ukol sa mga nasugatan at kung saang ospital sila dinala.

Agad namang nagkabuhol-buhol ang trapiko sa lugar dahilan para ang iba ay muli na lamang bumalik sa kanilang pinanggalingang lugar habang nililinis ng awtoridad ang mga bato na humarang sa kalsada na pababa at paakyat ng Baguio.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply