Large scale foreign investments kontrolin

ISINUSULONG sa Kamara de Representantes ang panukalang tuluyang makontrol ng pamahalaan ang large scale foreign investments sa mga lupain sa bansa.

Sa House Bill 6004, inihain nina Akbayan Reps. Kaka Bag-ao at Walden Bello na dapat magkaroon ng katiyakan sa alinmang negosasyon at kasunduan na ipapasok ng mga dayuhan sa Pilipinas na pakikinabangan ito ng mga Filipino at mga lokal na komunidad.

Nanawagan sina Bag-ao at Bello ng patas at malakas na regulasyon ng mekanismo na tutugon sa pagkakaroon ng benepisyo ng mga Filipino sa large scale land ownership ng dayuhang mamumuhunan.

Ang panukala ay bunsod na rin ng lumalaking demand sa produksyon ng pagkain, raw materials, agro-fuel production, turismo at pagmimina.

Giit pa nila na ang pagdagsa ng mamumuhunang dayuhan sa bansa ay nakaaapekto sa mga lokal na magsasaka, mangingisda at sa mga katutubo kung saan inaalisan sila ng karapatan, pagkontrol at pagmamay-ari sa mga lupain.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply