Legal team ng Pinas naghahanda na vs China

MATINDI ang paghahandang ginagawa ng legal team ng pamahalaan para idepensa ang  Scarborough Shoal.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, pangungunahan ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) para palakasin ang posisyon ng Pilipinas.

Ito’y sa kabila ng pagmamatigas ng China na huwag humarap sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) para doon resolbahin ang tensyon.

Ayon kay Valte, bahala na ang DFA na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa mga kakailanganing dokumento.

“We will leave that up to the DFA. From as I understand, the legal team is already preparing its work and it will be up to them to coordinate with the relevant agencies in order to give any sort of document that they can have to help the legal team in its preparation,” ayon kay Valte.

Nauna nang inihayag ng DFA na kahit ayaw ng China, pursigido ang Pilipinas na dalhin sa international tribunal ang claim sa Scarborough Shoal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply