Legislative wage hike muling iginiit

MULING iginiit ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang legislative wage hike sa lahat ng manggagawa upang maibsan ang bigat na dinaranas sa patuloy at sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin dulot ng paglobo ng presyo ng produktong petrolyo.

Ngunit, sinabi ni Escudero na dapat base ang pagtaas ng sahod ng manggagawa sa tunay na pangyayari alinsunod sa implasyon, kapasidad at kakayahan ng mga pribadong kompanya na magbigay ng umento.

“I favor legislative wage hike based on real terms such as inflation, the affordability and capacity of the private sector to absorb such increase and the number of wage earners and on the present cost of living in a particular area,” ayon kay Escudero sa ginanap na Kapihan sa Senado.

“Across the board, at dapat pag-aralan ng Kongreso ang makatarungan sahod na dapat ibigay sa manggagawa,” dagdag pa niya.

Kahit inamin ni Escudero na may epekto sa implasyon sa ekonomiya ang pagtataas ng sahod kaya’t hinikayat niya ang Kongreso na masusing pag-aralan at ikonsidera ang lahat ng factor upang maiwasan ang panibagong sakit ng ulo ng ating ekonomiya.

“Pero, palagi nang sinasabi ng wage board na magkakaroon ng inflationary effect ang pagtaas ng sahod, pero hindi naman. Marami din nagsasabi na may magsasarang kompanya kapag itinaas ang sahod, pero hindi naman napatunayan,” paliwanag niya.

Kasabay nito, matinding kinastigo ni Escudero ang pagiging inutil ng National Wage Board sa patuloy na kawalan ng solusyon kahilingan ng manggagawa na siyang tungkulin na iniatang ng Kongreso sa naturang lupon.

“Kung kinakailangan na manghimasok ang Kongreso kapag hindi nagagawa ng wage boards ang kanilang tungkulin kasi tila sa Mars nakatira ang mga miyembro nito at hindi nalalaman ang reyalidad na kung magkano ang dapat ibigay sa dagdag sahod sa ating manggagawa,” ani Escudero.

Nanawagan din si Escudero sa pribadong sector na kung may kapasidad at kapabilidad sila, magboluntaryo nang magbigay ng dagdag-pasahod sa kanilang manggagwa at huwag nang hintayin ang desisyon mula sa National Wage Board.

“I also asked private employer to open their minds to give what is due to their workers because kasama naman sila sa pag-angat ng kompanya kung aangat ang kapasidad ng manggagawa ng magtrabaho. Magkusa na lamang sila at huwag nnag umasa sa wage board na tila hindi nalalaman ang tunay na kalagayan ng ating manggagawa,” giit pa ni Escudero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply