Lenten red alert idineklara ng NDRRMC

NAGDEKLARA ng pinakamataas na antas ng alerto ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at isinailalim sa red alert status ang buong bansa kaugnay sa pagsisimula ng Lenten Season.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, inalerto niya ang lahat ng kanilang tauhan  sa buong bansa upang maging handa na umalalay sa mga matataong lugar tulad ng PNP, AFP, PCG, DTI, DepEd at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Kaugnay nito, muling pinaalala ng opisyal ang ibayong pag-iingat sa mga nagbabakasyon upang makaiwas sa disgrasya na pangunahing nangyayari sa ganitong okasyon.

Ang nasabing hakbang ay resulta sa isinagawang command conference ng NDRRMC at ng 37 attach government agencies sa Camp Aguinaldo upang pag-usapan ang mga paghahanda para sa Semana Santa.

Kaugnay nito ay siniguro ng Philippine National Police (PNP) at maging ng Sandatahang Lakas na handang-handa na sila para sa seguridad kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

Sinabi ni PNP Chief Nicanor Bartolome, sisiguraduhin nila ang seguridad ng mga aalis ng Metro Manila papuntang lalawigan at mga magpupunta sa mga lugar-bakasyunan.

Partikular aniyang babantayan ng mga pulis ang mga terminal bus, daungan ng barko at mga paliparan.

Samantala, maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang National Capital Region Command (NCRCom) na pinamumunuan ni Ltgen Titan Kison ay nakaalerto na rin kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

Kaugnay nito, inihayag ni AFP Chief of Staff Jesse Dellosa na handa nilang bigyan ng suporta ang PNP sa pagbibigay seguridad sa mga bibiyahe palabas ng Mania.

Ayon kay Dellosa, makakatuwang din nila sa nasabing joint peace task force ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagsisilbing lead agency.

Kabilang sa tututukan ng AFP ang mga pasilidad ng gobyerno gayundin sa linya ng komunikasyon, mga terminal at iba pang matataong lugar.

Mananatiling nakaalerto ang mga sundalo ngayong Holy Week laban sa mga banta ng karahasan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply