LGUs pinakikilos vs madayang gasolinahan

HINILING ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy sa mga local government unit (LGU) na i-padlock na ang mga gasoline station na may madaya o depektibong pumps.

Iginiit ni Herrera-Dy na gamitin ang mga karapan ng city at municipal governments sa bansa sa pagbawi ng mga business permit at lisensya ng mga nandadayang gasolinahan.

Ani Herrera-Dy, matiktikan lamang ng LGUs ang mga mandarayang gasolinahan sa pagsasagawa ng regular na inspeksyon.

Dito rin malalaman kung tama ang dami ng ikinakarga sa tangke ng mga nagpapagasolina sa isang istasyon.

“Some independent oil firms offer lower priced diesel and gasoline but recover lost profit by manipulating gasoline pumps. Worse, we have received complaints from some motorists that some of the bigger gasoline outlets have also been defrauding motorists with tampered pumps and meters,” aniya.

Ani Herrera-Dy, ang pandaraya ay ginagawa sa pamamagitan ng tampered pumps at meters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply