Lider ng Alih Drug Group, 6 pa arestado

MATAPOS ang mga serye ng operasyon nasakote rin ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lider ng kilabot na Alih Drug Group at anim na miyembro sa Zamboanga nitong Abril 13, 2012.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Zamboanga Regional Trial Court, kinilala ang lider na si Nadzul Alih , 32, alyas “Katindig” at CPL Ismail Asmadi.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang Alih Drug Group ay kinuha ang pangalan sa kanilang lider na responsable sa distribusyon ng shabu sa iba’t ibang barangay sa Zamboanga City.

Sa ulat si Alih, numero uno sa target list ng PDEA sa buong Zamboanga at pangatlo sa listahan sa regional ang mga suspek.

Isinilbi ng mga tauhan ni PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9)  Director Adzhar Albani, katulong ang  Zamboanga City Police Office, ang standing warrant of arrest laban kay Alih noong gabi sa isang popular na restaurant sa Canelar.

Nakumpiska kay Alih ang isang kalibre .9mm na pistola na may bala, iba’t ibang identification cards, na kinabibilangan ng sa AFP, AFPSLAI, AMWSLAI, na bineberipika pa hanggang sa ngayon ng awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply