Life sa apat na killer ni ex-Mayor Espinosa

HABANGBUHAY na pagkakabilanggo o reclusion perpetua ang ipinataw na parusa ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa apat sa anim na akusado sa pagpatay kay dating Masbate City Mayor Moises Espinosa Jr., na ginanap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kanina.

Kabilang sa hinatulan ng reclusion perpetua ni Manila RTC Judge Rosalyn Mislos-Loja ng Branch 41 sina dating provincial jail warden Charlie Quidato, kapatid na si Isagani na dati ring opisyal ng bilangguan, jail guard Ramil Ayque at inmate na si Alex Alteza.

Ang dalawa pang kasabwat sa pagpatay na sina Dindo Niez at Pio Badaguas na una na ring nasangkot sa isa pang krimen at napatawan na rin ng kaukulang parusa ay pinatawan naman ng 20-taong pagkabilanggo na idaragdag sa kanilang sentensiya sa unang krimen na kanilang nagawa.

Sa 58-pahinang desisyon na inilabas ni Judge Loja, nabigo ang mga akusado na pagtibayin ang kanilang depensa kumpara sa matibay na ebidensiya at testimonya ng mga testigo.

Pinagbabayad din ng P5 milyon ang mga akusado sa ginastos ng pamilya sa pagpapalibing at ang dapat na kitain ng dating alkalde kung siya ay nabubuhay pa at panibagong P250,000 bilang danyos.

Si Mayor Espinosa ay pinaslang noong Agosto 10 habang dumadalo sa ginanap na town fiesta sa kanilang lalawigan sa Masbate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply