Local gov’t ng Angeles City umapela sa mga turista

UMAPELA ang lokal na pamahalaan ng Angeles City sa mga turista na irespeto ang mga aktibidad kapag ginugunita ang Semana Santa.

Ito ay matapos na kumalat sa social networking site na Facebook ang larawan ng isang babae na naka-pose sa krus na nakasuot ng maikling shorts sa Barangay Lourdes Northwest, Angeles City, Pampanga.

Una na itong binatikos ng Simbahang Katoliko dahil isa anila itong paglapastangan sa pagpapakasakit ng Diyos.

Ikinalungkot naman ni Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual, ang pagkalat ng nasabing larawan sa Facebook.

Ayon kay Fr. Pascual, tila lumalaki ang mga kabataan ngayon na parang walang paggalang sa relihiyon at mabuting asal.

Sinabi pa ng pari na isang halimbawa ng sinasabi ni Pope Benedict XVI na paglaganap ng sekularismo o ang pagkawala ng Diyos sa buhay ng tao, ang pagpo-pose sa krus ng isang turistang babae.

Gayunman, pinayuhan ni Fr. Pascual ang mga kabataan na huwag yakapin ang ganitong pag-uugali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply