Lokohin ang pamilya ng sikat na aktres: Kinaliwa ng asawa ang tatay at ang utol ay iniiputan din ng misis

LUMIPAT sa kabilang network ang kilalang aktres dahil gusto nitong sumikat pa lalo at lumaki ang kanyang kita. Pero ang datung naman ng kanyang ama ay winaldas ng bago nitong misis at nagpabuntis pa sa driver. Samantalang ang utol niya ay kasalukuyan din daw iniiputan sa ulo ng misis nitong may koneksyon sa showbiz.

Saklap!

Pero hindi pa raw natatauhan ang brother ni aktres dahil patuloy pa rin itong nakikisama sa asawang makati pa sa gabing Bicol. Kunwari may show ito sa ibang bansa pero rumarampa lang doon kasama ang kanyang julakis.

Ang lakas ng loob ng esmi nya. Paano kung dumating ang point na ito mismong utol ni aktres ang makahuli sa kanyang waswit, naku, baka maghalo ang balat sa tinalupan.

***

Pamilya Gutierrez pinagkaguluhan sa MOA

DINUMOG ng maraming fans ang launching ni Richard Gutierrez ng kanyang bagong ini-endorsong BenchGutzNGlory deo cologne sa Mall of Asia. Sinuportahan din ang binata ng kanyang pamilya. Naroon mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, ang mga kapatid na sina Raymond, Elvis at Ruffa at ang dalawa nitong kids na sina Lorin at Venice.

Present din ang may-aring si Mr. Ben Chan na very accommodating sa mga bisitang press people.

Kakaiba ang amoy ng cologne na ini-endorse ni Richard, super bango at hindi nakahihilo. Kahit punong-puno ka ng pawis dahil sa init ng panahon ngayon, hindi nawawala ang amoy ng pabangong ito.

***

Mr. Fu biktima nang nagsarang bangko

MANGIYAK-NGIYAK si Mr. Fu dahil sa balitang pagsasara ng Export Bank. Malaki ang panghihinayang ng TV and Radio host dahil milyones din daw ang naideposito nito sa naturang bangko.

Halos patayin ni Fu ang kanyang sarili sa pagtatrabaho tapos heto’t sa isang iglap ay mawawala lang pala ang pinaghirapan n’ya. Kahit makipag-coordinate pa siya sa PDIC ay hindi na yata niya makukuha ang kabuuan ng kanyang hinulog. Tanging ang insured amount lamang for every depositor ang maibibigay sa kaniya. Tsk! Tsk! Tsk!

Lesson: Wag mag-iimpok sa bangkong walang name. Para makasiguro, sa bangko ng gobyerno kayo magpatago ng pera n’yo, or to be more secured, sa piggy bank na lang. Hahaha!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply