Lolo at lola tinubuan ng sungay!

ISANG lolo at lola mula sa magkahiwalay na lugar sa China ang nagkaroon ng pambihirang sungay sa kanilang mga ulo at patuloy na lumalaki na animo’y mga devil-like horn!

Ani Huang Yuanfan, 84, ng Ziyuan, southern China na ang kakatwang paglaki ng kanyang sungay ay nagsimula may dalawang taon na ang nakalilipas mula sa maliit na bukol hanggang sa lumaki nang lumaki.

Ayon sa matandang lalaki, “Sinubukan kong pitasin ito pero hindi nagbabago. Ang sungay ay papalaki nang papalaki,” sabi ni Yuanfan.

Napansin ni Yuanfan na ang kanyang sungay ay tumaas ng tatlong pulgada at walang senyales nang paghinto.

Dagdag pa nito, “Ayon sa mga doktor hindi nila alam kung saan nagmumula ang mga sungay ko. Lagi itong bumabalik. Tinangka kong itago pero lumulusot pa rin!”

Samantala, ganito rin ang problema ng isang lola sa China.

Ang 101-anyos na Chinese woman ay tinubuan ng devil-like horn sa kanyang noo at ang nakapagtataka, may umuusbong pang isa pa sa kanyang ulo!

Unang napansin ni Zhang Ruifang ang sungay sa kaliwang bahagi ng kanyang noo noong 2009, at umabot pa ito sa 6 na pulgadang haba.

At sinabi niyang nakumpirma na ng mga doktor ang naunang hinala na may tumutubo muli na kahalintulad nito sa kanang bahagi ng kanyang noo.

Sinabi ni Zhang na tinanggihan niya ang alok ng mga doktor na tatanggalin ang mga sungay dahil maraming mga dumadalaw sa kanyang tahanan dala ang ibat ibang pagkain at regalo at nagpapakuha ng larawan kasama siya.

Hinihikayat din ng bunsong anak na si Zhang Guozheng, 60, ang ina at ang kanya pang limang mga kapatid na lalaki na ipatanggal na ang naturang mga sungay.

Sinabi nilang sobra nang nahumaling sa sungay niya ang kanilang ina.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply