Lolo na nawawala sa katinuan tinaga ang misis, sugatan

HALOS maputol ang dalawang daliri sa kamay ng isang lola nang tagain ng kanyang mister na nawawala sa katinuan sa Laoag City kagabi (Abril 23).

Nagtamo ng sugat sa kanyang dalawang daliri sa kamay at kanang balikat ang biktimang si Maria Andres, 70-anyos residente ng Barangay Caaocan, Laoag City.

Pansamantalang ikinulong muna sa detention cell ng PNP-Laoag ang suspek na si Tranquilino Andres, 67-anyos pero malamang na ilipat sa isang mental institute para sa kaukulang gamutan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kagabi sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa.

Ayon sa salaysay ni Maria, bago ang pananaga ay magkasama silang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay nang biglang sumpungin ng sakit sa pag-iisip ang kanyang mister.

Isinisigaw aniya sa kanya nito na nasa kanilang paligid lamang ang gustong pumatay sa kanya kaya kinuha nito ang kanyang itak at biglang tinaga ang matandang babae.

Hindi naman makausap ang suspek at tila wala sa katinuan habang nasa kulungan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply