Lolo utas sa road incident sa Camarines Sur

TODAS ang 65-anyos na lolo nang mahagip ng bus sa Diversion Road sa Nabua Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marshal Denero Jr., ng Zone 5, San Antonio sa Nabua, naputulan ng binti maliban pa sa mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nabatid na alas-5:30 ng umaga kanina nang mahagip ng ELAVIL bus (5323) na minamaneho ni Wendro Coja, 29 matapos iwasan ang isang tricycle na minamaneho naman ni Joey Abinal.

Bukod sa namatay ay may ilan pang nasugatan na ginagamot na sa pagamutan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply