Palengke sa lote ng Basa-Guidote sinunog

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Manila Mayor Alfredo Lim ang naganap na sunog sa isang palengke na nakatayo sa lote ng Basa-Guidote na ibinenta ng misis ni CJ Renato Corona sa lungsod kaninang madaling-araw.

Ang lote na pinagtayuan ng Sampaloc Public Market ay kailan lamang nabulgar na nabili sa halagang P34 milyon ng lungsod mula kay Cristina, nahaharap ngayon sa pagkwestyon ng Impeachment court.

Sa imbestigasyon, nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang alkalde na sinadyang sunugin ang palengke kaya personal nila binisita ang lugar, kasama sina city administrator Jay Marzan, department of public services chief ret. Col. Carlos Baltazar, chief of staff at media bureau director Ric de Guzman, city legal officer Renato dela Cruz at secretary to the mayor Atty. Rafaelito Garayblas.

Agad ding inatasan ng alkalde ang mga opisyal na magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa ilang testigo, dalawang lalaki ang nakita nilang tumatakbong palabas sa palengke bago sumiklab ang sunog.

Base sa report ni Inspector Guillermo Firmalino, Jr., Bureau of Fire Protection (BFP) deputy chief, nagsimula ang sunog sa. stall no. 239, tindahan ng tsinelas dakong ala-1:50 ng madaling-araw kanina, na pag-aari ng isang Ely Morales.

Sa 292 stalls na nasa loob ng palengke, 80 rito ang nasunog na umabot ang halaga sa P3 milyon.

Idineklarang fireout ang lugar 4:30 na ng umaga.

Matatandaan na ang kontrobersyal na lote ay isa sa ebidensiya na iprinisinta ng prosekusyon sa nagaganap na impeachment trial laban kay  Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply