LPA tatama sa Mindanao bukas

KASUNOD ng dalawang magkasunod na araw na naitala sa Metro Manila ang 36.2 degrees Celsius ng temperatura, iniulat naman ng Pagasa ang pagpasok ng low pressure area sa bansa partikular sa Mindanao bukas.

Ani weather forecaster Gener Quitlong, inaasahang papasok bukas sa Philippine area of responsibility ang isang LPA na magdudulot ng mga pag-ulan sa bahagi ng Mindanao, habang mananatili namang walang epekto ito sa lagay ng panahon sa Luzon.

Ang nasabing LPA ay namataan may layong 1,060 kilometers sa silangan-timog-silangan ng Mindanao (5.4N 136.0E) taglay ang maximum winds na 45 kilometers per hour (kph) at tinatahak ang pangkalahatang direksyon patunong hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply